Sunday, July 31, 2005

Market Market sa Pasig

Namamalengke ako bago ako pumasok sa office:

Well, hindi naman ako namamalengke kundi sa palengke ako dumadaan.
Ang daming tao, ang daming syip, I always pass by the big garbage truck,
iniisip baka isang araw sumala ang pagtransfer nila ng basura matapunan ako.
Ilang beses na rin akong muntikan na mahagip ng mga dyip kasi nagmamadaling
lumiko. Kung iisipin mo, ano ang ginagawa ko, isang magandang pustura na babae
na dumadaan sa palengke? Eh kasi ang mahal ng pamasahe, dun lang ang mura,
kaya kahit na maglakad ako sa palengke araw araw bago pumasok ay okey lang.
Gustung-gusto ko na nadadaanan yung isang aso, na payat at pangit ang balat,
siguro may skin allergy yung aso. Nais ko nga siyang dalhan ng dogfood eh, kawawa
naman. Nakahiga lang siya, nakapikit, tila hindi niya pansin ang mabaho at magulong lugar na palengke. Naisip ko na dalhin siya sa bahay pero isa siyang pakawalang aso.
Matanda na siguro siya, kasi palagi siyang inaantok at hindi na siya masigla, natutuwa ako pag nakikita ko siya, kasi parang kahit na ganun ang paligid niya,
mukha pa rin siyang kuntento.
Well, sabi nga ni God, kung ang mga sparrow sa bukid ay may kinakain at ang mga fox ay may masisilungan, ang nga tao pa kaya? Eh yung asong yun buhay pa hanggang ngayon, hindi ko alam kung ano ang kinakain pero buhay pa sya.

Well, that is something to thank God for, buhay pa tayo. Bow.

No comments:

Post a Comment