Friday, October 21, 2005

Blessed Ako

Ang aga aga nag sesenti ako. It's just that I feel so blessed, why did I ever never thought about it before? Here I am happily married to a wonderful guy, the best guy for me. Just his love is enough to make me realize that I am a very lucky girl to have him. Mega reklamo pa ako sa trabaho, and he was ther for me, always never intruding, always there to listen and to support me.

Once in a while, you have to pause and think of the things that are important to you. I retired from my work, and I have a lot of time to spend, spend it with him, his family, my family. I feel so happy. Kahit wala akong trabaho. Hindi ko naisip na kailangan ko ng pera, yeah right, I am earning a lot compared to my officemates and my position was full of responsibilities and I choose to say goodbye to it.

Ngayon lang, na na relax na ako at narealize ko kung gaano ang pasensiya na ibinigay sa akin ng asawa ko, ngayon na wala akong ginagawa, nalaman ko na mahal na mahal niya talaga ako. Ngayon, kahit noon pa, hindi niya nakakalimutan na sabihin sa akin na " I love you" bago siya umalis habang ako'y kunyaring natutulog at inaabangan ang kanyang goodbye kiss.

Nawalan ako ng panahon sa kanya, sarili ko lang ang naisip ko, pero nandyan pa rin siya, tulad noon, tulad dati, palagi siyang nandyan.

Umaga na, naka alis na siya, ni hindi ko man lang siya nangitian. naririnig ko ang mga huni ng ibon, at ang maliwanag na langit, ang sikat ng araw sa may bintana namin. Hindi mo ba sasabihin na suwerte ako? Wala akong trabaho, pero may isang tao na nagmamahal sa akin, oo hindi nga ako kagandahan, oo hindi rin ako sexy at hindi artistahin, pero may nagmamahal sa akin.

At dahil dyan nararamdaman ko na mahal din ako ng Diyos, na noon pa man, pinadala niya sa akin si Irwin para kung hindi man ako mabantayan ng Amang nasa Langit meron naman siyang katuwang sa pagsubaybay sa akin. Naniniwala ako na mahal talaga ako ng Diyos dahil kahit may masama akong ugali, hindi pa rin tumitigil sa pagunawa ang mga mhal ko sa buhay.

Subukan nyong huminto, tumingin sa bintana, ngumite, pakingan ang huni ng ibon, gumising ng umaga, magdasal at magpasalamat, at mahalin nang lubos ang mga tao sa paligid mo. Yun lang naman eh Pag Ibig, ay nakatira nga pala ako sa Pag Ibig, Pag Ibig Homes. =)

Tuesday, September 6, 2005

When I become what I hate

Someone close to me pointed out this weakness of mine, being too hypercritical.
I am not too critical, konti lang naman. Sabi kasi nilang huwag daw masyadong mapintas kasi babalik daw sa magiging anak mo. Nyaiks, eh wala pa naman akong anak kung saka-sakali baka ang pangit na ng magiging anak ko sa kapipintas ko.

Isa pang ugali na ayaw ko na sinabi rin sa akin, which is related sa last entry ko dito. On receiving gifts, dapat hindi binibilang or naghihintay ng kapalit. Well, siguro iba-iba nga ang mga pananaw ng tao. Irwin pointed out that I hate this ugali of an acquiantance of mine, na kapag may occasion, dapat may gift, at dapat may libre kung walang gift wala ring libre. Parang ganun. So what is the sense of celebrating kung parang kelangan ng ticket or entrance fee bago ka makalibre di parang binayaran mo rin ang sarili mong pagkain?

So siguro when giving gifts, give gifts from the heart hindi yung may hinihintay ka na libre or exchange sa binigay mo.

Monday, September 5, 2005

Sana magka baby na kami

Matanda na ako, kahit mukha akong bata. Kaya dapat lang daw na mag baby na kami. Pero paano nga ba? Nasa edad ba yun? Talaga bang pag matanda na, mahihirapan nang magka anak? Eh bakit yung iba, parang ang dali nilang magka anak? Kung sino talaga ang may gusto, yun ang hindi nagkakaroon, at kung sino naman ang marami nang anak sila pa nadadagdagan ng anak.
Parang kahit saan ako lumingon palaging may buntis, parang pinamumukha sa akin na ako rin dapat magbuntis na. Para namang hindi kami nag try, siguro dapat mag leave muna ako para walang stress. Haay, minsan kung iisipin mo din ang gastos parang ayaw mo nang magka anak, pero masarap ang may anak diba? At dapat hindi mo iisipin ang gastos?

Thursday, September 1, 2005

Cooking Time

Well, since my MIL has a surgery and she can't move like before, I have to cook for them. Marunong na akong magluto ng Pesang Dalag. Ang pesang dalag ay parang tinola kasi may luya. Ang sarap, teka lang, parang nakalimutan ko na eto a ng mga ingredients:

Pesang Dalag
1 whole Dalag cut into serving size
1 malaking luya hatiin diagonally
3 cloves garlic
1/2 repolyo
1 sayote
3 teaspoon patis

First thing that we did was to wash the fish, tapos nilagan ni mommy ng mainit na tubig para matanggal ang amoy at lansa. Ginisa muna yung garlic at luya tapos saka nilagay yung patis then the dalag. Medium heat lang, after a while nilagyan namin ng isang basong mainit na tubig at pinakuluan na siya at saka niagay yung gulay. Huli ang repolyo. Pag malapit nang maluto.

Monday, August 15, 2005

Palengke na naman

Last Thursday, I tried to go home late, galing ako sa bahay namin sa Ugong, I thought maihahatid ako nila mama eh nasa Laguna pala. So hindi na rin ako nagpasundo kay Irwin galing sa amin. Medyo may halong takot at kaba ako, ngayon lang ako dadaan ng palengke, baka kasi ako ma holdup.

Grabe nagulat ako, pagdating ko sa palengke, tahimik, ang linis pa, maliwanag, hindi nakakatakot.
Tuyo na ang mga daan, wala na kasi halos na tao eh, may mga nagtitinda pa rin. pero maayos.
Akala ko mag special trip ako, buti na lang at may nakasabay ako. Ang mahal pa naman ng pamasahe ngayon.

Palengke Ulit

Looks like palengke will be one of tha places I have to be familiar with. I remember, ako lang pala ang sinsama ni mama na mamalengke, hindi pala sumasama ang iba kong mga kapatid, kasi alam nyo ba ang bargaining skills ni mama, sobrang tawad sa mga nagtitinda, as in, tapos lilibot at maghahanap kung saan may discount at tawad kahit na nasa kabilang parte pa yun ng palengke.
Ako naman last Sunday, I went there, shiyet para akong nakawala sa preso, I didn't know a trip to palengke would give me a thrill similar to orgasm. Ang ganda ng comparison ko noh, euphoria, para akong nakawala sa bahay. Excited ako, ewan ko kung bakit, ilang araw din akong nakakulong sa bahay, bahay opis lang lagi, haay sa wakas talaga nakalabas na ako. Pero golay! Ang dami kong binili, ang bigat, bumili ako ng rambutan, lansones, itlog, buko juice, manok at porkchop. Grabe, kaya siguro ako hindi lumaki ng husto kasi kahit nung bata ako nagbubuhat ako ng pinamili ng mama ko, hanggang sa mag asawa ako ako pa rin ang nagbubuhat, kaya minsan mas type ko ang mamili na lang sa supermarket, may sasakyan pa at si Irwin ang magbubuhat.

Tuesday, August 9, 2005

tagged by Toni

just passing a tag from toni to fellow w@wies...

1. what are the things you enjoy doing when there's no one around you?

Watch Koreanovela, Attic Cat my favorite right now, its funny and nakaka iyak rin, don't want anyone see me crying, write in my journal, wear sexy clothes tapos pag may tao na magpapalit na ako.

2. what lowers your stress/blood pressure/anxiety level?

Ice Cream, walking, day dreaming, internet on my favorite actor Kim Rae Woo,
music of Lovers in Paris, singing out loud, showers.

3. tag five friends and get it posted on their blogs.


ariel and ella
con and nel
trina and ken
joy and john

Monday, August 8, 2005

Sabaw ng palengke

Grabe, umuulan na naman ngayon, hindi ko suot ang aking favorite na slippers, kasi wala namang pink sa damit ko, (pero kahapon suot ko siya kahit naka black and white ako). Ayan tuloy nabasa ang laylayan ng slacks ko, basa ng katas ng palengke.

Everyday kasi I have to pass by the public market, and today is special kasi umuulan at maputik sa palengke. At least medyo nalinis na ang ibang parte ng palengke, konti lang ang kumapit sa laylayan ng pants ko.

Pero siyempre ang dumi pa rin nun. Kaya pagdating ko dito, mega putol ako ng pants ko, so what kung hindi pantay ang putol, at least wala na yung basa, at nag dumi pala ng paa ko, mamaya ko na lang huhugasan.