Monday, August 15, 2005

Palengke na naman

Last Thursday, I tried to go home late, galing ako sa bahay namin sa Ugong, I thought maihahatid ako nila mama eh nasa Laguna pala. So hindi na rin ako nagpasundo kay Irwin galing sa amin. Medyo may halong takot at kaba ako, ngayon lang ako dadaan ng palengke, baka kasi ako ma holdup.

Grabe nagulat ako, pagdating ko sa palengke, tahimik, ang linis pa, maliwanag, hindi nakakatakot.
Tuyo na ang mga daan, wala na kasi halos na tao eh, may mga nagtitinda pa rin. pero maayos.
Akala ko mag special trip ako, buti na lang at may nakasabay ako. Ang mahal pa naman ng pamasahe ngayon.

Palengke Ulit

Looks like palengke will be one of tha places I have to be familiar with. I remember, ako lang pala ang sinsama ni mama na mamalengke, hindi pala sumasama ang iba kong mga kapatid, kasi alam nyo ba ang bargaining skills ni mama, sobrang tawad sa mga nagtitinda, as in, tapos lilibot at maghahanap kung saan may discount at tawad kahit na nasa kabilang parte pa yun ng palengke.
Ako naman last Sunday, I went there, shiyet para akong nakawala sa preso, I didn't know a trip to palengke would give me a thrill similar to orgasm. Ang ganda ng comparison ko noh, euphoria, para akong nakawala sa bahay. Excited ako, ewan ko kung bakit, ilang araw din akong nakakulong sa bahay, bahay opis lang lagi, haay sa wakas talaga nakalabas na ako. Pero golay! Ang dami kong binili, ang bigat, bumili ako ng rambutan, lansones, itlog, buko juice, manok at porkchop. Grabe, kaya siguro ako hindi lumaki ng husto kasi kahit nung bata ako nagbubuhat ako ng pinamili ng mama ko, hanggang sa mag asawa ako ako pa rin ang nagbubuhat, kaya minsan mas type ko ang mamili na lang sa supermarket, may sasakyan pa at si Irwin ang magbubuhat.

Tuesday, August 9, 2005

tagged by Toni

just passing a tag from toni to fellow w@wies...

1. what are the things you enjoy doing when there's no one around you?

Watch Koreanovela, Attic Cat my favorite right now, its funny and nakaka iyak rin, don't want anyone see me crying, write in my journal, wear sexy clothes tapos pag may tao na magpapalit na ako.

2. what lowers your stress/blood pressure/anxiety level?

Ice Cream, walking, day dreaming, internet on my favorite actor Kim Rae Woo,
music of Lovers in Paris, singing out loud, showers.

3. tag five friends and get it posted on their blogs.


ariel and ella
con and nel
trina and ken
joy and john

Monday, August 8, 2005

Sabaw ng palengke

Grabe, umuulan na naman ngayon, hindi ko suot ang aking favorite na slippers, kasi wala namang pink sa damit ko, (pero kahapon suot ko siya kahit naka black and white ako). Ayan tuloy nabasa ang laylayan ng slacks ko, basa ng katas ng palengke.

Everyday kasi I have to pass by the public market, and today is special kasi umuulan at maputik sa palengke. At least medyo nalinis na ang ibang parte ng palengke, konti lang ang kumapit sa laylayan ng pants ko.

Pero siyempre ang dumi pa rin nun. Kaya pagdating ko dito, mega putol ako ng pants ko, so what kung hindi pantay ang putol, at least wala na yung basa, at nag dumi pala ng paa ko, mamaya ko na lang huhugasan.

Sunday, August 7, 2005

Havaianas and ME

Last Friday was our second month, August 5, 2005 and we celebrated it by buying the brazilian slippers and eating at California Pizza Kitchen. Now, while eating, I thought of making a separate blog for all our restaurant experiences. I just saw a blogsite where a cooking lawyer, posts all her cooking experiences and new recipe, It has several hits per month, and it looks like a recipe blog.

I so so, love my havaianas, it is pink, I am really looking for a pink havaianas.
Irwin's havaianas were black, some guy were eyeing the black pair that Irwin was holding, so hindi na niya binitawan.

My pink havaianas however were given to my by a girl, who bought several pairs, maybe 3 of them, buti na lang hindi na niya kinuha yun pink, she gave it to me,
when I tried it on, I had to agree, gosh, ang sakto sobra sa akin.

Siyempre, feeling tall ako sa havaianas ko, as in noh, suot ko siya sa bahay, and I make it sure na malinis ang talampakan ko bago ko siya isuot.

Tapos last night, I was washing the dishes in my havaianas, ang tangkad ko, siguro mga 2 inches additional. Hehehe. It is fun to wash the dishes in havaianas.

Happy na Rin

Sometimes, feeling ko parang praning ako na laging binabantayan ang mga kilos ko, siguro ganun din ang feeling ng iba na nakatira sa in-laws nila. Siguro, kelangan lang ng konting kapalan ng mukha meaning you have to be not too sensitive.
Kasi pag naging sensitive ka, konting hindi lang pinansin mag-iisip ka na ng kung anu-ano na wala naman pala.